26 Eylül 2012 Çarşamba

I've stumbled upon this. Okay.

To contact us Click HERE

I am literally in tears right now okay. I really miss highschool. So much has changed since I graduated. Though it's been two years ago, I still feel like I just recently graduated and I could still remember everything so clearly in my mind. Aw. This post is so saddening.


***REPOST!!! THIS WAS ORIGINALLY WRITTEN BY ME TWO YEARS AND A MONTH AGO(MAY 3, 2010)***

Eksayted na ko mag pasukan kaso hindi na ko sa bene papasok ngayong june. Lalakad na ko patungo sa mas mataas na antas ng pag aaral, ang kolehiyo. Marami akong mamimimiss. Ang mga kaibigan ko, yong paaralan, yung staff ng canteen, at kahit hindi ko man aminin mamimiss ko din yong mga maunawaain kong guro.
Ngayong june…
Hindi na ko male late sa time ni ma’am Gina sa umaga. Hindi na din ako makaka takas sakanya kapag late akong pumasok pag may program/practice para sa school events at nalaman kong bad trip sya.
Hindi na ko makaka tulog sa time ni ma’am leah, at magagalit sya saakin at mag bibigay ng quiz na mapeperpek ko kahit tulog ako o kaya napaka habang seat work/home work na perpek nanaman.
Hindi na ko makaka pag gala sa labas ng school habang time ni ma’am martha.
Hindi na ko makaka pag kunwaring masakit ang ulo at pupunta ako sa clinic at titigil don o kaya ay sa canteen lang ako tatambay at mahuhuli kami ni ma’am gina na nasa canteen kami sa oras ni sir ben.
Wala na si ma’am arlene na tuwang tuwa sakin dahil ako laging nauunang matapos sa hands on at kahit mang gago ako sa loob ng comp lab ay ok lang. Doon ko pa naexperience maging bantay ng compshop —- kunwari compshop yong comp lab.
Wala na si sir dren na napaka galeng mag turo. Hindi na ko makaka pag yabang kayna Regina at Maica kapag minsan ako unang nakaka gets ng lesson sa physics o chemistry at tuturuan ko pa sila minsan at ang yabang yabang ko kasi top students tinuturuan ng pipichugeng bata. Wala na din akong tutulugang chem lab kapag oras ng experiment na humahatak maige sa grades ko.
Wala na si ma’am joy na bespren ng lahat ng stujante sa bene dahil napaka epal, napaka pakialemera na kahit mga lalaki nagiging bading at naiinsecure sa kagaguhan nya. Ang epal kasi eh!
Wala na si sir benjie na walang ginawa kundi mag pa breaktime ng napaka aga at papuntahin kami ng gym kapag tinatamad syang mag lesson at baba na agad sya papuntang IT. Wala na din yung maninigaw sakin sa training na nag pa improve sakin sa pakikitungo sa sports. Dahil sa paninigaw nya gumaling ako kahit papaano sa pag lalaro ng balibol.
Wala na si ma’am lai na napaka engot mag english na lagi akong sumisigaw sa klase nya ng “Sinong kamuka ni diego?” at sasagot naman sila luigi ng “Si ma’am lai.” wala na din kaming kakainan habang nag kaklase dahil tuwing klase nya nag pipyesta kami at minsan nag babatuhan pa ng boy bawang. wala na din kaming pag papaalam na mag c-cr pero sa canteen lang pupunta para bumili ng pagkain.
wala na si ma’am norma na filing ko paborito ako dahil lagi akong pinapansin sa lahat ng lalaki at laging pag ako nakulet pinapansin ako lagi. hindi na ko mkakatulog sa sahig sa may huling row sa tapat nila regina habang nag didiskus sya. wala na kaming libreng lunch o merienda tuwing mag luluto kami sa subject nya.
wala na sila ti tere at tita cecil na nauutangan ko ng lunch at every 2 weeks kong binabayaran. wala ng mamimigay ng libreng sabaw na bumubuhay sakin na kahit isang stick ng bbq lang nakaka limang kanin kami. wala na akong tatambayan kapag tinatamad ako sa teacher. hindi ko na maeexperience mag luto sa sariling canteen ng school. wala na kaming tataguan ni darwin kapag nakita namin sa salamin na may paparating na teacher na papuntang canteen. wala na ding mag cocover sakin kay noel kapag ako’y napapa opis.
wala na rin si coach shaine na napaka bait at ginawa pa akong kapitan ng team. at nag da drive samin papuntang mcdo palico tuwing pagkatapos ng saturday training.
Wala na yung mga kaibigan ko na laging anjan kapag breaktime, uwian o tuwing umaga at nag aantay ng alas siyete.
Wala na si darwin at hance na mga matatalik kong kaibigan na lagi kong kasama at hindi ng iwan sakin.
Wala na si janeil na aking cutie pie na anjan din lagi para sakin na mas minahal pa ata ako kesa ke kenneth :))
Wala na si regina at maica na nakokopyahan ko ng assignment. at mga mabubuting kaibigan din.
wala na si diandra,tj at joy na hinihingan ko lagi ng baon.
wala na si keithleen at miguel na parating anjan kapag na o-OP ako sa tropang mga kapols.
wala na si earl, lorenz, neil, medina, andoke, von at jaymark na sumasalubong lagi sakin at bumabati sakin sa hall way.
wala na si inah at kirsten(kapit bahay ko lang to eh hahah) na nakakasama ko pag lumalaboy.
wala na si luigi at robert na napaka gagago kapag oras ng klase. sila pa ata ang nag impluwensya sakni manarantado ng teacher eh. haha!
wala na si ey at alday na napaka nonsense lagi ng sinasabi at tuwang tuwa sa kung saan yari ang tela ng polo kasi malambot daw.
wala na si carla at yra na napaka suplada. crush ko pa naman kayo ang susuplada nyo.
wala na si nefthali na mukang penguin na tuwing nag dadrama si migs eh bigla nalang mag bibiro hahaha.
wala na sila ajill, joana, lj, jer at jozelle na mga chicks ko hahaha. Love ko kayo <3
wala na ang team ng boys volleyball varsity na tumulong sa pag papapayat ko ng ilang bwan na nawala naman ang training kaya nanumbalik ang katabaan ko. Sa loob ng kulang kulang na isang taon ng pag tetraining ay natuto ako mag volleyball at ang paborito naming captain na si eric.
wala na din si jeffrey na alipin ng buong benedictine. taga bili ng tubig pag training, taga bili ng pagkain ni hance at taga kain ng tira tira nya. punching bag ng buong school. pero kahit ganyan ka, tropa ka parin namin ;>
wala na si una na EMO GIRL RAK ON RAKON SCENE KID WOOOHOOOO na girlfriend ni jeffrey. mamimiss ko yong dance moves nya at yung pang didistract nya sa mga teachers para lang wala kaming klase.
at wala na din si telle na laging sumisigaw sakin habang nag lalakad ako sa labas ng school ng 7:30 ng umaga at sasabihin “JAI ANG AGA MO!” Ikaw laging unang pumapansin sakin sa tuwing late ako hahaha. At bumuhay din sa akin sa mcdo
mamimiss ko ang buong high school ko. kahit hindi ako nag ka girlfriend sa panahong ito, naging masaya parin ako dahil sainyo mga kaibigan ko :) sainyo, nahanap ko ang mga tunay kong kaibigan.
Sa dami nyo, naramdaman kong famous ako sa benedictine, na pinapangarap ng maraming kabataan sa panahon ngayon. pero wala akong pakelam dito dahil hindi mahalaga ang maging famous, ang mahalaga ay meron akong mga tapat na kaibigan <3
Magkahiwahiwalay man kami ng eskwelahan, mag kaibaiba man ang landas namin, sa puso namin mag kakaibigan parin kami. Mahal parin namin ang isa’t isa. :)

Hiç yorum yok:

Yorum Gönder